Linggo, Pebrero 8, 2015

Repleksyon Bilang-4 para sa ikaapat na linggo ng Ika-apat na Markahan..

Ngayong linggo , nagkaroon kami ng “Parade of Characters”. Dito ang bawat pangkat ay naatasan na gumanap bilang tauhan sa Noli Me Tangere . Napakahusay ng bawat pangkat . Sa katunayan , isa ako sa gumanap na Crisostomo Ibarra sa aming pangkat , napakasaya ko noong araw na iyon dahil napansin ni Ginang Mixto ang aking husay pagdating sa pag arte . Kasabay nito ang pagtalakay naming sa mga kabanata ng nobelang Noli Me Tangere . Lahat ng pangkat ay mag uulat ng mga kabanata na naiatas sa kanila . Sinimulan ito ng Pangkat 1 , mahusay nilang naiulat ang kabanata 1-10 . Natutunan ko na sa pagbalik ni Ibarra sa bansang sinilangan , nalaman niya na wala pa rin itong pagbabago patunay nito ang inalisan nyang baluktot na rehas na ganoon pa rin sa kanyang pagbalik .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento