Linggo, Pebrero 8, 2015

Repleksyon Bilang-2 para sa ikalawang linggo ng Ika-apat na Markahan..

Sa Linggong ito , pinag aralan na namin ang Noli Me Tangere . Bilang panimula , inalam muna namin ang kaligirang pangkasaysayan ng nasabing akda. Kasabay nito ang pagtalakay namin sa mga akda na may kaugnayan kay Jose Rizal. Nakakamangha ang ipinakita ni Rizal na kanyang mga katangian noong bata pa lamang siya , mahihinuha na talaga ng bawat isa na si Rizal ay may angking kakaibang talino . bilang aming takdang aralin , bawat isa ay inatasan ni Ginang Mixto na panuorin ang palabas na tungkol kay Rizal upang magkaroon pa kami ng mas malawak na kaalaman patungkol sa kanya . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento