Noong biyernes lang ako nakapasok dahil ako`y tumakbo bilang bise-presidente para nalalapit na eleksyon sa mga bagong opisyal ng SSG ng MNHS.
Noong araw na iyon nag karoon kami ng pagsusulit tungkol sa mga kabanta na tungkol kay Crisostomo Ibarra.
Biyernes, Pebrero 27, 2015
Linggo, Pebrero 8, 2015
Repleksyon Bilang-4 para sa ikaapat na linggo ng Ika-apat na Markahan..
Ngayong linggo ,
nagkaroon kami ng “Parade of Characters”. Dito ang bawat pangkat ay naatasan na
gumanap bilang tauhan sa Noli Me Tangere . Napakahusay ng bawat pangkat . Sa
katunayan , isa ako sa gumanap na Crisostomo Ibarra sa aming pangkat ,
napakasaya ko noong araw na iyon dahil napansin ni Ginang Mixto ang aking husay
pagdating sa pag arte . Kasabay nito ang pagtalakay naming sa mga kabanata ng
nobelang Noli Me Tangere . Lahat ng pangkat ay mag uulat ng mga kabanata na naiatas
sa kanila . Sinimulan ito ng Pangkat 1 , mahusay nilang naiulat ang kabanata
1-10 . Natutunan ko na sa pagbalik ni Ibarra sa bansang sinilangan , nalaman
niya na wala pa rin itong pagbabago patunay nito ang inalisan nyang baluktot na
rehas na ganoon pa rin sa kanyang pagbalik .
Repleksyon Bilang-3 para sa ikatlong linggo ng Ika-apat na Markahan..
Ngayong Linggo , wala si
Ginang mixto dahil siya ay nasa laban ng
Regional School Press Conference (RSPC) sa batangas. Kaya naman nariyan si
Ginoong Mixto upang kami ay turuan sa loob lamang ng ilang araw. Sinimulan na
naming talakayin ang mga Tauhan sa Noli Me Tangere . Napakarami palang tauhan
ang may kaugnayan sa Nobelang ito kaya dito umikot ang aming isang linggong
talakayan . Kasabay din nito ang maikling pagsasanay .
Repleksyon Bilang-2 para sa ikalawang linggo ng Ika-apat na Markahan..
Sa Linggong ito , pinag
aralan na namin ang Noli Me Tangere . Bilang panimula , inalam muna namin ang
kaligirang pangkasaysayan ng nasabing akda. Kasabay nito ang pagtalakay namin
sa mga akda na may kaugnayan kay Jose Rizal. Nakakamangha ang ipinakita ni
Rizal na kanyang mga katangian noong bata pa lamang siya , mahihinuha na talaga
ng bawat isa na si Rizal ay may angking kakaibang talino . bilang aming takdang
aralin , bawat isa ay inatasan ni Ginang Mixto na panuorin ang palabas na
tungkol kay Rizal upang magkaroon pa kami ng mas malawak na kaalaman patungkol
sa kanya .
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)