Biyernes, Enero 16, 2015

Repleksyon Bilang-1 para sa Unang linggo ng Ika-apat na Markahan..

Para sa pag-uumpisa ng ika-apat na markahan,binigay ni Gng.Mixto ang aming pag-aaralan para sa markahang ito, ito ay ang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambasang bayani na si Dr.Jose Rizal,na ang ibig sabihin sa Filipino ay "Huwag mo akong Salingin".Ang Noli Me Tangere ay isang Klasikong babasahin,ito ay isang lumang babasahin na kayang iugnay ang mensahe nito sa panahong ngayon/kasalukuyan.Binigay din ni Gng.Mixto ang aming gagawin na produkto para sa markahang ito,una ay ang pagbuo ng Trailer na ipapasa sa ikatlong linggo ng Pebrero,pangalawa ay ang pagasasagawa ng Shortfilm na pwedeng ibase sa kabanata 7,34,54 at 60 ng Noli na ipapasa sa unang linggo ng Marso.



Sa darating na aming pagtalakay sa aking palagay na mas magiging kapanapanabik ang aming talakayan dahil pag aaralan namin ang mga kabanata ng Noli.

1 komento:

  1. Nawa nga'y maging kapana-panabik ang mga darating mga araw para sa pagtalakay ng klasikong nobela na ito. :)

    TumugonBurahin