Biyernes, Marso 20, 2015

Ang Aking Guro...

Karanasan Kasama ang Aking Guro...
Noong umpisa takot ang aking naramadaman ng nalaman ko na siya ang aking magiging guro sa FILIPINO dahil narin siguro sa kadahilang siya daw ay sobrang masungit,strikto at idag-dag mo pa ang pag-kakaroon niya ng mataas na posisyon.Ngunit hindi naglaon ito`y nag-iba,Napalitan ito ng tuwa dahil nakakatuwang malaman ang aming guro ay nakakasabay parin sa uso sakabila ng kanyang edad.Hindi pala siya yung tipo ng guro na sobrang seryoso dahil may pag-kakataon na sobrang saya ng aming klase,at dahil doon mas naiintindahan namin ang mga leksyon at mas napapadali ang kanyang pag-tututro.

Karasan sa Buong Taon...





Matatapos na ang taon .

Mawawala na ang kwentuhan,
                               kulitan,
                                asaran,
                           At ang maingay na klase...
Madami akong hindi makakalimutan sa taong ito lalo na yung makukulit na sandali na mag kakasama kami,lalo na ang SAKIT namin, yung tipong sobrang ingay ng lahat dahil hindi pa dumating ang guro namin tapos biglang tatahik ang lahat ng walang kadahilanan tapos tatawa nalang kami ng malakas at may sisigaw ng "MAY DUMAAN NANAMANG ANGHEL" o "INAATAKE NANAMAN TAYO NG SAKIT NATIN" at susundan pa ito ng sobrang lakas na tawanan.

Hindi ko mamakalinutan yung mga kabaliwan namin,yung tipong sobrang stress na iyong iba dahil sa sobrang dami ng ginagawa pero yung iba walang ginagawa.
Madami akong hindi makakalimutan dito.

Nakakalungkot isipin na matatapos na itong taon at matatapos na rin ang pag sasamahan namin bilang isang klase. 
Masakit pero kaylangang tanggapin na isa nanamang yugto buhay ko ang matatapos.

Pero masaya ako na naging parte ako ng pamilyang ito:
9-ANTIMONY


Huwebes, Marso 19, 2015

Magandang epekto ng makasama sa K-12...

Sabi nila ang malas daw ng batch namin,imbis na makakatapos na ako sa sekondarya sa susunod na taon nadagdagan pa ng 2 taon pa para sa Senior High.

Para saakin hindi ito kamalasan bagkus isang magandang oportunidad para saamin,dahil sa kurikulum na ito mas mag-kakaroon ng dag-dag kaalaman ang isang estudyante,at dahil sa dag-dag na dalawang taon maari akong pumili ng maari kong linaning at sa pamamagitan nito maari na akong hindi mag-aral ng dag-dag 4 o 5 taon na gugulin ko sa kolehiyo,maari na akong makuha agad ng trabaho na angkop sa aking kakayahan na nilinang noong nasa Senior High pa.


Sabado, Marso 7, 2015

REPLEKSYON BILANG-7 para sa Ika-pitong Linggo ng Ika-apat ng Markahan...

Base sa pag-aaralan ngayong ika-apat na markahan ay pag-aaralan natin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere.

Nang nakaraang aralin tinalakay na natin ang buhay ni Ibarra na kung saan may malaking kaugnayan sa buhay ni Elias. Si Elias ay isang tulisan.Pero napatunayan dito na siya tunay na nag-mamahal sa bayan dahil pinag-palit niya ang kanyang pansariling pangangailangan at kaligayahan para lamang dito.

Biyernes, Pebrero 27, 2015

Repleksyon para sa Ika-apat na Linggo ng Pebrero...

Noong biyernes lang ako nakapasok dahil ako`y tumakbo bilang bise-presidente para nalalapit na eleksyon sa mga bagong opisyal ng SSG ng MNHS.
Noong araw na iyon nag karoon kami ng pagsusulit tungkol sa mga kabanta na tungkol kay Crisostomo Ibarra.

Linggo, Pebrero 8, 2015

Repleksyon Bilang-4 para sa ikaapat na linggo ng Ika-apat na Markahan..

Ngayong linggo , nagkaroon kami ng “Parade of Characters”. Dito ang bawat pangkat ay naatasan na gumanap bilang tauhan sa Noli Me Tangere . Napakahusay ng bawat pangkat . Sa katunayan , isa ako sa gumanap na Crisostomo Ibarra sa aming pangkat , napakasaya ko noong araw na iyon dahil napansin ni Ginang Mixto ang aking husay pagdating sa pag arte . Kasabay nito ang pagtalakay naming sa mga kabanata ng nobelang Noli Me Tangere . Lahat ng pangkat ay mag uulat ng mga kabanata na naiatas sa kanila . Sinimulan ito ng Pangkat 1 , mahusay nilang naiulat ang kabanata 1-10 . Natutunan ko na sa pagbalik ni Ibarra sa bansang sinilangan , nalaman niya na wala pa rin itong pagbabago patunay nito ang inalisan nyang baluktot na rehas na ganoon pa rin sa kanyang pagbalik .

Repleksyon Bilang-3 para sa ikatlong linggo ng Ika-apat na Markahan..

Ngayong Linggo , wala si Ginang mixto  dahil siya ay nasa laban ng Regional School Press Conference (RSPC) sa batangas. Kaya naman nariyan si Ginoong Mixto upang kami ay turuan sa loob lamang ng ilang araw. Sinimulan na naming talakayin ang mga Tauhan sa Noli Me Tangere . Napakarami palang tauhan ang may kaugnayan sa Nobelang ito kaya dito umikot ang aming isang linggong talakayan . Kasabay din nito ang maikling pagsasanay . 

Repleksyon Bilang-2 para sa ikalawang linggo ng Ika-apat na Markahan..

Sa Linggong ito , pinag aralan na namin ang Noli Me Tangere . Bilang panimula , inalam muna namin ang kaligirang pangkasaysayan ng nasabing akda. Kasabay nito ang pagtalakay namin sa mga akda na may kaugnayan kay Jose Rizal. Nakakamangha ang ipinakita ni Rizal na kanyang mga katangian noong bata pa lamang siya , mahihinuha na talaga ng bawat isa na si Rizal ay may angking kakaibang talino . bilang aming takdang aralin , bawat isa ay inatasan ni Ginang Mixto na panuorin ang palabas na tungkol kay Rizal upang magkaroon pa kami ng mas malawak na kaalaman patungkol sa kanya . 

Biyernes, Enero 16, 2015

Repleksyon Bilang-1 para sa Unang linggo ng Ika-apat na Markahan..

Para sa pag-uumpisa ng ika-apat na markahan,binigay ni Gng.Mixto ang aming pag-aaralan para sa markahang ito, ito ay ang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambasang bayani na si Dr.Jose Rizal,na ang ibig sabihin sa Filipino ay "Huwag mo akong Salingin".Ang Noli Me Tangere ay isang Klasikong babasahin,ito ay isang lumang babasahin na kayang iugnay ang mensahe nito sa panahong ngayon/kasalukuyan.Binigay din ni Gng.Mixto ang aming gagawin na produkto para sa markahang ito,una ay ang pagbuo ng Trailer na ipapasa sa ikatlong linggo ng Pebrero,pangalawa ay ang pagasasagawa ng Shortfilm na pwedeng ibase sa kabanata 7,34,54 at 60 ng Noli na ipapasa sa unang linggo ng Marso.



Sa darating na aming pagtalakay sa aking palagay na mas magiging kapanapanabik ang aming talakayan dahil pag aaralan namin ang mga kabanata ng Noli.

Miyerkules, Enero 14, 2015

Huling linggo ng Ikatlong Markahan...

Para sa huling linggo tinalakay namin ang tungkol sa Sanaysay,ilan sa anyo ng malayang sanaysay ay nagsasalaysay ng isang pangyayari,maghatid ng balita,tagubilin o payo at maglahad ng kuro-kuro tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari o isyu.
Pinakopya saamin ang tungkol sa Synopsis at Dahilan ng Pangangatwiran.Ang synopsis ay isang maikling kabuoan ng mahalagang baha ng isang akda.Dahilan ng Pangangawiran ay ang mga 


  • Mabigyang linaw ang isang mahalaga at napapanahong iisapin/isyu.
  • Maipag tanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
  • Makapag bahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao.