Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku,
bagama't nagsimula ang mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong kaniya-kaniyang
katangian ng pagiging magkaiba.
Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring
awitin ay may kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod.
Ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring
magpalit-palit nang nananatili ang kabuuang bilang ng pantig na tatlumpu't isa.
Ang Haiku naman ay higit na maikli sa
Tanka. Binubuo ito ng tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na
labimpito.
Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng
Haiku at pagbabago, pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng Tanka.
Tayo naman sa Pilipinas ay may Tanaga, isang
uri ng sinaunang tula na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat na
taludtod na may tigpipitong pantig sa bawat taludtod, may tugma at puno ng
talinghaga. Namalasak ito noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento