Modal
Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa
pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon.
Mga halimabawa nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at
hangad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto. Dalawang Gamit Nito1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap
na walang totoong pandiwa.Hal. Gusto ko
ang damit mo. Hangad ko
ang iyong tahumpay.Tandaan: Walang totoong
pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto,hangad at kailangan ang nagpapahiwatig
ng pandiwa.2. Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na
may anyong pawatas.Hal. Gusto niyang makaalis sa
hukay.
Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon. Mga Uri ng Modal1. Nagsasaad ng
kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)a. “Gusto kong
maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.b. “Ibig mong
maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.2. Nagsasaad ng kakayahan o
posibilidad
a. Puwede silang dumating mamaya.
b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.3. Nagsasaad ng
obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
b. Kailangan mag-aral kang mabuti.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento