Sitti
Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya
Jan
Henry M. Choa Jr.
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si
Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal
sa pag-awit hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal
na patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand
Prix Champion mula sa Voice
of Asia Singing Contest na ginanap sa
Almaty, Kazakhstan. Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa
larangan ng pag-awit. Dahil sa likas na talento sa pag-awit, narating
niya ang rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum
selling artists sa Malaysia.
Sinundan ito ng mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong
gawad-parangal tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng
awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa katunayan, siya ay nagmamay-ari
ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia. Mayroon din siyang sariling production
company, Sitti
Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment. Siya rin ay itinuturing na isa sa
pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa Malaysia.. Sa kabila ng
pagiging sikat at mayaman ay hindi nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang
magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa maraming gawaing-kawanggawa sa
loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda niyang katangian. Marunong
siyang tumulong sa kaniyang kapuwa bilang pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga
tinatamasa. Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga
kababayan bilang Asyano na may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging
kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kaniyang magandang tinig at mabuting
kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga
katangiang nagugustuhan ng kaniyang mga tagatangkilik. Isang idolo na may
ginintuang tinig at ginintuang puso ng Asya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento