Biyernes, Marso 20, 2015

Ang Aking Guro...

Karanasan Kasama ang Aking Guro...
Noong umpisa takot ang aking naramadaman ng nalaman ko na siya ang aking magiging guro sa FILIPINO dahil narin siguro sa kadahilang siya daw ay sobrang masungit,strikto at idag-dag mo pa ang pag-kakaroon niya ng mataas na posisyon.Ngunit hindi naglaon ito`y nag-iba,Napalitan ito ng tuwa dahil nakakatuwang malaman ang aming guro ay nakakasabay parin sa uso sakabila ng kanyang edad.Hindi pala siya yung tipo ng guro na sobrang seryoso dahil may pag-kakataon na sobrang saya ng aming klase,at dahil doon mas naiintindahan namin ang mga leksyon at mas napapadali ang kanyang pag-tututro.

Karasan sa Buong Taon...





Matatapos na ang taon .

Mawawala na ang kwentuhan,
                               kulitan,
                                asaran,
                           At ang maingay na klase...
Madami akong hindi makakalimutan sa taong ito lalo na yung makukulit na sandali na mag kakasama kami,lalo na ang SAKIT namin, yung tipong sobrang ingay ng lahat dahil hindi pa dumating ang guro namin tapos biglang tatahik ang lahat ng walang kadahilanan tapos tatawa nalang kami ng malakas at may sisigaw ng "MAY DUMAAN NANAMANG ANGHEL" o "INAATAKE NANAMAN TAYO NG SAKIT NATIN" at susundan pa ito ng sobrang lakas na tawanan.

Hindi ko mamakalinutan yung mga kabaliwan namin,yung tipong sobrang stress na iyong iba dahil sa sobrang dami ng ginagawa pero yung iba walang ginagawa.
Madami akong hindi makakalimutan dito.

Nakakalungkot isipin na matatapos na itong taon at matatapos na rin ang pag sasamahan namin bilang isang klase. 
Masakit pero kaylangang tanggapin na isa nanamang yugto buhay ko ang matatapos.

Pero masaya ako na naging parte ako ng pamilyang ito:
9-ANTIMONY


Huwebes, Marso 19, 2015

Magandang epekto ng makasama sa K-12...

Sabi nila ang malas daw ng batch namin,imbis na makakatapos na ako sa sekondarya sa susunod na taon nadagdagan pa ng 2 taon pa para sa Senior High.

Para saakin hindi ito kamalasan bagkus isang magandang oportunidad para saamin,dahil sa kurikulum na ito mas mag-kakaroon ng dag-dag kaalaman ang isang estudyante,at dahil sa dag-dag na dalawang taon maari akong pumili ng maari kong linaning at sa pamamagitan nito maari na akong hindi mag-aral ng dag-dag 4 o 5 taon na gugulin ko sa kolehiyo,maari na akong makuha agad ng trabaho na angkop sa aking kakayahan na nilinang noong nasa Senior High pa.


Sabado, Marso 7, 2015

REPLEKSYON BILANG-7 para sa Ika-pitong Linggo ng Ika-apat ng Markahan...

Base sa pag-aaralan ngayong ika-apat na markahan ay pag-aaralan natin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere.

Nang nakaraang aralin tinalakay na natin ang buhay ni Ibarra na kung saan may malaking kaugnayan sa buhay ni Elias. Si Elias ay isang tulisan.Pero napatunayan dito na siya tunay na nag-mamahal sa bayan dahil pinag-palit niya ang kanyang pansariling pangangailangan at kaligayahan para lamang dito.